Angelo S. Albano
Purok 6 Manaoag, Cauayan City, Isabela, Philippines
angeloalbano725@gmail.com
09663919049
[Intro]
Oh, oh, oh
Oh, oh-oh-oh
Oh, oh
Sa tuwing napapatanaw ako sa 'ting kalangitan
Lalo kong natatanggap ang kalapitan
Na balang araw lahat tayo ay mapapalitan
Mga bagay sa mundo ay merong may katapusan, yeah
Pero 'di na bale, patuloy aabante
At kung sa'n man ako dadalin ng ihip
Ng hangarin ko, ilalagay sa isip
Papalarin din sa landas na napili
Ang lahat ay gagaan sa ngalan ng pag-ibig
Ang aking mga hiling natupad
Meron nang nakikinig sa wakas
Pinapangako kong hanggang may lakas
Gagawa ng musika hanggang sa wakas
Dito nako nabuhay
Dito ko nakita halaga nitong buhay
Parang dati rati lang mata ko'y mapungay
Ngayon kita mo liwanag na bitbit ko makulay, yeah
Salamat sa mga naniniwala sa 'kin
Sa tinig ko sa aking mga sinasabi
Hangarin ko lahat tayo ay pagpalain
Sa tuwing bumibigat, pasan napapakapit
Sa bawat isa, pamilya kita
Kaibigan alangan na iwan kita
'Wag kang bibitaw, 'wag kang aayaw
'Di magtatagal ay matatanaw
Makakamtan kung anong mga para sa 'tin
Matitikman kaginhawaan, palayain
Kung ano man yung mga panget na nangyari
Kalimutan upang makausad na sa byahe
Alam ko naman na merong patutunguhan
Mga paghihirap natin hindi masasayang
Tatapat din ang roleta sa 'tin balang araw
Sa pagpanaw din naman ang bagsak sa mundong ibabaw
Ay lilisan din tayo sapagkat
Ang mga to'y 'di permanente lahat
Ngayon palang, kailangan mong matanggap
Na sa mundong to ay alaala ka lang